Home Top Ad

‘Ang Presidente Bise Presidente’ Gab Valenciano chant available na sa Spotify

Share:

Ang chant na ginawa ng performer na si Gabriel ‘Gab’ Valenciano para kay presidential aspirant Leni Robredo at vice presidential bet Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ay available na sa Spotify.

Maaari nang mapakinggan at sayawin ng mga Kakampinks ang kantang “Ang Presidente Bise Presidente” ni Gabriel kasunod ng pagpapalabas ng jingle sa music streaming platform.

Itinataguyod ng bagong dance song sina Leni at running mate na si Senador Kiko at ang kanilang plataporma “Gobyerno tapat, angat buhay lahat.”

Si Gab, anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan, ay regular na gumaganap sa mga campaign rally ng Robredo-Pangilinan presidential tandem. Siya ay pamangkin ng senador.

Inanunsyo ng pop artist ang bagong kanta sa pamamagitan ng Twitter. Ang isang link sa Spotify ng kanta ay ibinahagi din nito sa social media.

“IT’S OUT!!! OMG,” tweet ni Gab sa Twitter.

“LET’S GO,” dagdag niya na may hashtag na #LeniKikoAlltheWay.

Basahin: Gary V umakyat na sa stage, nagtanghal kasama si Gab sa birthday rally para kay VP Leni

Sa unang pagkakataon ay umakyat sa Leni-Kiko stage si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa ginanap na Pasay rally na saktong kaarawan ni Vice President Leni Robredo noong Sabado Abril 23.  Ang kanyang anak na si Gab  ang naging representative niya sa mga nakaraang sorties.

Magkasamang inawit at sinayaw ng mag-ama ang trending na Leni-Kiko chant ni Gab sa entablado’; ang “Ang presidente, Leni Robredo! Bise presidente, Kiko Pangilinan!”

 

Basahin: Gab Valenciano sinagot ang basher: I have a beautiful family, support system, and a God who loves me

Kamakailan ay hindi pinaglapas ni Gab ang komento mula sa isang basher tungkol sa kaniyang pinagdaanang depresyon.

Ibinahagi niya sa Twitter ang screenshot ng iniwang komento ng isang netizen.

“This is a reflection of society today. Kung sino ka man, God bless you. Trying to insult me means you are triggering millions of Filipinos struggling to make ends meet. Shame on you,” sabi niya.

Sabi ni Gab, mapalad siyang may mga nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.

“I have a beautiful family, support system and a God who loves me. Not my fault you’re miserable.”

Matatandaang ipinagtanggol si Gab ng kaniyang mga magulang na sina Angeli at Gary mula sa mga netizens na tumutuligsa sa kanilang anak.

Basahin: Angeli, Gary Valenciano ipinagtanggol ang anak na si Gab sa mga bashers

The post ‘Ang Presidente Bise Presidente’ Gab Valenciano chant available na sa Spotify appeared first on NewsPresenter.


No comments