Lumaki ka rin ba sa mga Lola at Lolo mo? Lola’s boy ka rin ba ng itinuring mong magulang?
Para kay Zacharry Luis Punay, 25, isang high school graduate, ang kanyang lola ang naging solid rock niya.
Kamakailan ay nag-post si Zacharry na mula Culaba, Biliran sa kanyang Facebook account ng mga larawan ng kanyang graduation kung saan kasama niya ang kanyang lola na si Lourdes, 85.
Ibinahagi niya ang isang inspiring story tungkol dito.
“My lola is my inspiration po sa lahat ng bagay na aking ginagawa, and she’s my strength in every problem and struggles na aking hinaharap po,” ani Zacharry sa panayam ng ‘The Philippine Star’
“At sa lahat ng pagkukulang ng aking magulang ay siya po ang pumuno, and my biggest fear in life is mawala po ‘yung lola ko.”
Kuwento ni Zacharry, apat na taon pa lang siya nang naghiwalay ang kanyang mga magulang kaya naman naiwan silang tatlong magkakapatid sa puder ng kanilang Lolo at Lola.
Sa kasamaang palad ay pumanaw ang kanyang Lolo nang siya ay first year school. Kaya naman mas lalo niyang pinahahalagahan ang kanilang lola at ayaw umano niyang mapalayo dito na siyang nag-aruga sa kanilang magkakapatid.
Dagdag pa niya, gagawin niya daw ang lahat para sa kanilang lola ko. “Pinilit ko pong makapag tapos sa lahat ng problema at hindi po hindrance ang edad ko para makapagtapos ng pag-aaral.”
Naalala ni Zacharry kung gaano kahirap para sa kanya kapag may mga family gatherings. Mga tiyuhin at tiyahin na lamang niya ang dumadalo sa mga gannoong event.
Sinubukan pa niyang hanapin ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang mga kaibigan, dahilan upang pansamantalang tumigil sa high school.
Samantala, naging mas determinado at nagpursige si Zacharry na makatapos ng high school kapalit ng unconditional love at sakripisyong ibinigay ng kanyang lolo’t lola sa kanila.
Malaki man ang agwat ng edad niya kumpara sa kanyang mga kaklase, sinabi ni Zacharry na hindi ito dapat maging hadlang sa mga may pangarap at adhikain na tulad niya. Laban lang!
The post HS student inialay ang graduation sa 85-anyos na Lolang nagpalaki sa kanilang magkakapatid appeared first on NewsPresenter.
No comments