Kung noon ay usong-uso ang mga love letter para sa nililigawan, sa panahon ngayon ay ibang level na.
Ang nakaugalian kasi ng karamihan ngayon, hindi na sa pamamagitan ng mga love letter kundi ibinabanat na lang sa pick-up lines.
Maraming netizens ang kinilig at napatawa dahil sa ibinahaging video ng anniversary surprise ni Reven para sa 8-year relationship nila ng kanyang kasintahan.
Makikita sa ibinahaging video ng netizen na ibinahagi rin sa ‘Pilipino Star Ngayon Digital’ at sa iba pang FB pages ang ilang pick-up lines na ginawa ni BF Reven sa ilang bahagi ng kanilang bahay.
Ayon kay Reven ay off-duty niya nang isinagawa niya ang surpresa.
“We were celebrating our 8-year anniversary ng fiancée ko. At that time, may duty siya until 3:00 pm, ako naman off-duty that time kasi local holiday sa school na pinagtrabahuan ko dahil may fiesta. Wala talaga kaming plano that day na lumabas kasi pareho kaming busy sa work,” kuwento ni Reven.
“At 2:00 pm that day, bigla kong naisip na ubos na pala LPG tank namin kaya naisip kong magpa-refill, tsaka pumunta na rin sa market para bumili ng bouquet worth 150 pesos. Hindi na ako bumili nang kahit ano kasi aside sa kapos kami sa pera that time, alam kong mas gusto ng partner ko na kumain na lang sa labas o sa bahay,” dagdag pa nito.
Hindi umano planado ang surpresa at biglaan lamang niyang naisip na mag-print ng mga pick-up lines na may kaugnay sa kanilang gasul at refrigerator.
“Hindi ko na inisip if effective ba siya o hindi, kaya nag-video na lang ako sa magiging reaction niya. Masaya naman siya lalo nung pumunta na kami sa Mall para bumili ng groceries para sa bahay.”
Hindi naman napigilan ng mga netizens na magkomento dahil sa naramdaman nilang kilig at tuwa.
“Mas astig na surprise ito nag galing talaga, mas nakaka-appreciate talaga so sweet and nakatutuwa.”
“‘Yan ang nagmamahal. Napatawa mo ako ngayon kuya.”
May isang netizen naman ang nagbiro.
“Ingat ka ate, baka bukas ikaw na talaga ang laman niyan”
Panoorin para kiligin.
The post Anniversary surprise ng lalaki sa kanyang fiancée gamit ang ilang pick-up lines, kinakiligan ng netizens appeared first on NewsPresenter.
No comments