Home Top Ad

‘Pagsamo’ cover ni Carlo Aquino, para kay Trina Candaza nga ba?

Share:

Usap-usapan ang diumano’y hiwalayan ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino at ng partner nitong si Trina Candaza. Nagkakalabuan na nga ba ang dalawa sa kabila ng pagkakaroon nila ng anak?

Kamakailan ay nagpost sa TikTok ang aktor na umaawit ng ‘Pagsamo‘, isang heartbreaking song, at ang tanong ng mga netizens, para kay Trina kaya ang kantang iyon?

“Kung bibitaw nang mahinahon ako ba’y lulubayan ng ating Mga kahapon na ‘di na kayang ayusin ng lambing. Mga pangako ba’y sapat na upang muli tayong ipagtagpo ng hinaharap…”

May mga haka-haka na diumano’y nagkakalabuan ang dalawa nang mapansin ng mga tagahanga na wala silang post na magkasama noong Pasko at Bagong Taon.

Ngunit noong Enero 13, 2022 ay pareho silang nag-post sa kani-kaniyang Instagram account para sa isang ‘paid partnership’ kaugnay sa isang produkto ng diaper kasama ang anak nilang si Mithi.

Noong Enero 19, 2022 ay nag-post muli si Trina sa kanyang IG kalakip ang kanyang litrato.

“Little by little, day by day, what is meant for you will find its way,” aniya sa post ni Trina.

Sa isang post  naman ni Carlo, ay nagbahagi siya ng kanyang litrato na may caption na ‘Silence and coffee’.

Mas lalo pang uminit ang usap-usapan ng mga netizens sa cryptic post ni Trina sa kaniyang Facebook account noong Enero 28, 2022.

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya. Kung may pinupuntahan na agad na babae… ‘Wag na kayo umasang magbabago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan magbabago” (emoji)

Basahin: From cryptic post to lipat bahay: Trina Candaza at Carlo Aquino, hiwalay na nga ba?

 

May isang basher naman na nagkomento dito, “Karma is a bitch talaga. Ayos lang yan! Pumatol ka nga kay Carlo noon nung sila pa ni Angelica eh [laughing emoji]. mas masakit talaga pag binalikan ka ng karma doble yung sakit. Worst is, may anak kayo.”

Agad na tumugon dito si Trina. “Huh? hindi naman sila nagkabalikan, sakin nag commit tas ang labas ako pa ang nang agaw. I kept quiet that time para kay Carlo, pero wala akong inagaw.”

Maraming mga netizens ang nagsabi na sana ay magkabalikan muli ang dalawa para sa kanilang anak na si Mithi. “Wag naman po sana kayo maghiwalay kawawa c mithi, pagsubok lang ‘yan away lang wala lang hiwalayan”

Samantala, sa isang vlog ay ibinahagi ni Trina ang kanilang “new home” ng anak niyang si Mithi… minus Carlo. Bumuhos ang komento ng suporta para sa vlogger mom.

The post ‘Pagsamo’ cover ni Carlo Aquino, para kay Trina Candaza nga ba? appeared first on NewsPresenter.


No comments