Home Top Ad

Kaya ko rin! 76-anyos na lola, kumasa sa crystal kayak challenge

Share:

Maaming beach-goers ang natutuwang sumabay sa crystal kayak trend  Isa na rito ang senior citizen na si Nanay Delia Recto na nagpapatunay na kaya pa rin niyang sumabay sa uso.

Nakasuot ng swimsuit na tinernuhan pa ng shades, ang 76-anyos na si Nanay Delia ay ipinagmalaki ang kanyang mga beach bod habang naka-pose siya sa kayak na nagpapatingkad din sa tubig ng Boracay.

Nag-viral ang photo ni Lola nang ibahagi ni Tom PO Hao ang kanyang mga larawan. Agad naman siyang nag-trending online.

“Never too old and it’s never too late. Sa padayon namon nga practice, I am euphoric with the result. Congrats mal-am! I am very proud of you. #MyCrystalKayakEntry,” ani Tom sa kanyang FB account.

Ayon sa kanyang anak na si Jeanne Lys, nagpraktis pa si Nanay Delia ng kanyang mga pose bago ang kanilang out of town trip. Siyempre, very supportive ang pamilya nila.

“I want to encourage po sa mga same niya na senior citizens na adventure has no age limit as long as able sila then go lang nang go,” saad ni Jeanne.

Sa ngayon ay “overwhelming” ang nararamdaman ni nanay dahil bigla na lamang siyang sikat sa social media.

Kaya naman nagpost muli si Tom Po Hao sa kanyang FB at nagpasalamat, “My heart is filled with gladness and gratitude to everyone who somehow in our own little way had been moved by the message or the purpose of this post.”

“To our senior citizens, let it be known that you are all loved and cherished. Let’s celebrate life that despite the pandemic, God sustained us.

“Life is short, and tomorrow’s not promised so let’s make the most out of it!”

Hindi rin napigilan ng ibang mga nanay na senior na ibahagi at lakas=loob na ipost ang larawan entry nila sa crystal kayak challenge.

“Mga seniors kahit hindi sexy o maganda, basta happy sila, let them be”

“Yes, enjoy life to the fullest.. age is just a number as long you’re happy”

“Basta happy si lola happy din ako seeing a woman who give inspiration, reaching this age yet still gorgeous”

As of writing, umani na ng mahigit 100k reactions, 6k comments, at 7k shares ang mga litrato ni Nanay Delia mula sa mga netizens na nagbibigay ng suporta sa kanya.

The post Kaya ko rin! 76-anyos na lola, kumasa sa crystal kayak challenge appeared first on NewsPresenter.


No comments