Nagbalik tanaw ang aktres na si Ruffa Gutierrez nang ibinahagi niya ang mga larawan niya bilang isang young beauty queen.
Ang aktres at host ay kinoronahang Binibining Pilipinas World noong 1993, at nakuha ang second runner-up sa Miss World noong taong ding iyon.
“Taken when I was 18,” aniya tungkol sa kanyang mga pageant shot, na in-upload sa Instagram.
Sa isang picture slide ay nasama rin ng aktres ang kanyang mala-muslim na kasuotan, “Muslim living in Istanbul named Yasmeen” na kuha umano noong 2004.
Sa pagmumuni-muni sa kanyang mga karanasan, sinabi niya: “In life you will meet two kinds of people. Ones who build you up, and ones who tear you down. But in the end, you will thank them both.”
Marami naman ang pumuri at nagkomento mula sa mga masugid na followers.
“And still, you are one of the goddesses in the Philippines!”
“Vampire ‘yung your age gracefully mas lalong gumanda”
“Edad?? Numero lang Yan walang kupas still maganda”
Si Ruffa, 47-anyos, ay nagmula sa angkan ng mga kilalang personalidad na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, at mga kapatid na sina Richard at Raymond Gutierrez.
Hindi lamang ang kanyang mga larawan sa pageant ang kanyang ipinost kundi may ilan pang iba na ‘nahukay’ niya daw sa baul. Kasama niya sina Sunshine, Donita, Karla, Isko, Harlene, Gretchen, Pops, ChinChin.
Kasama niya ang ilang mga kabigan sa showbiz sa tinawag niyang “First batch of baul pics found when I cleared out my closet today. Such unforgettable memories! (emoji) Cheers to friendship and a beautiful life. More to come!”
“Where did the time go?? Pics from March 1989 with Harlene, June 1994 with Shine, Dee & Karla and March 2003 with friends in pink,” nakasaad sa kanyang post IG.
The post #BaulPics: Ruffa Gutierrez nagbalik-tanaw sa Bb. Pilipinas World 1993 days, atbp appeared first on NewsPresenter.
No comments