Naaalala mo pa ba ang estudyanteng nag-viral noon matapos umiyak dahil sa accounting problem na hindi niya masagutan?
Kamakailan lang ay nag-post siya upang ibahagi ang mahalagang milestone sa kaniyang buhay – nakapagpa-renovate na siya ng bahay at nakabili na rin ng sariling sasakyan.
Kuwento ng content creator na si Banessa Raya, nang mag-viral ang kaniyang video ay may matinding karamdaman ang kaniyang ina kaya naman ganoon na lamang ang paghahangad niyang bigyan ito ng magandang marka.
“Sobrang grade conscious ko para makakuha ng mataas na grade para mabigyan ko siya ng medal. Minsan hirap na hirap na ako kasi di naman ako matalino, masipag lang. Nakagraduate naman ako kaso nga lang hindi na naabutan ni mama since she passed away last 2019,” pagbabahagi niya.
Nang mawala ang kaniyang ina ay pinag-aral siya ng naging boss nito. Bukod dito ay ginamit din nila ang natatanggap na pension ng kaniyang ina at ang noo’y maliit pa lang na sweldo sa pagiging content creator.
“Nakagraduate ako ng college sa FEU pero at the same time nag freelance ako mag-TikTok. Nabuhay kaming tatlo ng lolo at lola ko na ginamit namin ung SSS ng mama ko plus income ko sa TikTok na maliit lang nuon. Nag-boom mga videos ko, hindi naman ako maganda. Makulit lang. siguro talagang binigay ni Lord ‘to sakin,” dagdag niya pa.
Nagkasakit din ang kaniyang lola at kalaunan ay pumanaw ito kaya naman bagama’t masaya sa mga nararating ay may kirot din siyang nararamdaman dahil wala na ang dalawa sa mga taong gusto niyang pag-alayan ng tagumpay.
“Ang medyo makirot lang ay wala na yung mga pinaglalaanan ko ng meron ako neto. Pero naisip ko they are watching from above. Yung hirap na dinanas ko bilang ulila lahat ng yun may balak pala si Lord sa akin. Basta magtiwala at maniwala ka sa Kanya,” sabi pa ni Banessa.
Ngayon ay kuntento na raw siya sa kung anong meron siya at wala na siyang ibang hiling kundi ang masayang buhay.
“Wala na akong hihilingin pa kundi maayos na buhay at masayang buhay, hindi ko na need ng sobrang laking bahay sobrang mamahaling gamit. Masaya na ako kung ano ang meron ako ngayon. Salamat Panginoon!”
Wow! Rainbow after the storm. Truly grateful siya.
The post Viral na estudyanteng naiyak sa accounting problem noon, unti-unti nang naaabot ang pangarap ngayon appeared first on NewsPresenter.
No comments