Top #1 trending ang "$456,000 Squid Game in Real Life!" sa social media? True!
Kung napanood mo na ang nag-trending na series na Squid Game sa Netflix, mas maiintindihan mo kung bakit nag-trending din ang isang recreated version nito sa YouTube na ibinahagi ng isang star vlogger na si Jimmy Donaldson, na mas kilala bilang si MrBeast.
Isa siyang Amerikano Youtuber, negosyante at pilantropo. Kilala siya sa pagsisimula ng mga videos na nakasentro sa mga tinatawag na 'expensive stunts'. Kaya hindi na dapat magtaka kung paano niya na-recreate ang mga highlight na laro sa sumikat na Korean series.
"$456,000 Squid Game in Real Life!"
Ang tindi naman talaga ng production effort ng recreated Squid Game series.
Unang-una, may tumataginting na $456K na matatanaw ang mananalong player. Sino ba naman ang tatanggi kung maiimbitahan kang lumahok, 'di ba? Ang kaibahan sa series ng SG ay pure fun ito at walang nasaktan. Namigay pa nga ng mga consolation prizes sa mga hindi nagwagi!
Inabot umano ng $3.5 million para lamang magaya ang mga eksena sa hit South Korean series, kabilang na ang mga costumes ng 456 players. Pinasalamatan ni MrBeast ang kapartner niya dito na Brawl Stars.
Anim na laro rin ang nilahukan ng mga players at sa bawat laro ay mayroong mga natatanggal kaya't pakonti sila nang pakonti hanggang sa dumating sa final na laro kung saan ay anim na lamang ang natira.
May nakakabit na tracking device sa bawat isa kaya't nakatutuwa kung paano sila 'ine-eliminate.' Panay paalala ni MrBeast na huwag mag-aalala pagkat hindi totoong nasasaktan ang mga nae-eliminate.
Ang finale game ay inilihis na sa larong Squid Game. Masayang paliwanag ni MrBeast, hindi naman daw kasi sila mga Koreano. At kapalit nito ay ang laro na tinawag nilang ‘Musical Chairs’ na katumbas naman ng larong ‘Trip to Jerusalem’ sa ating bansa.
Ang player 079 ang itinanghal na lucky winner ng $456K - kaya't napa-tumbling ito sa saya!
Mga komento ng paghanga at pagkaaliw ang bumuhos sa videong ito ni MrBeast. At malamang ay milyon-milyon din ang panibagong subscribers ni MrBeast. Mayroon kasing papremyo sa mananalong new subscriber -- "subscribe if you haven’t already and you could win $10,000!" May pa-free gifts pa siya.
As of posting ay may halos 60M views na ang recreated Squid Game vid niya na nitong Nobyembre 25 lamang ini-upload.
Makisaya sa mga kalahok sa pamamagitan ng video na ito na ibinahagi ni MrBeast via YouTube channel niya:
No comments