Hindi umano maipaliwanag ang sayang nararamdaman ng social media celebrity na si Whamos Cruz nang kanyang malaman na nagdadalantao na ang live-in girlfriend na si Antonette Gail del Rosario.
Sa umpisa ng vlog ay pinapikit muna ni Gail si Whamos at pagkatapos ay ipinakita dito ang resulta ng PT o Pregnancy Test kit. Negative. (It’s Prank!) Pero dahil sa labis na excitement ay ipinakita din agad ni Gail ang tunay na resulta at ito ay positive.
Soon-to-be Tatay na si Whamos
Sa video na in-upload sa Facebook ni Antonette, makikita ang malaking ngiti at pagyakap ni Whamos sa kanyang girlfriend habang hawak ang dalawang pregnancy results.
Ayon pa sa kanila, bago pa man nila ito ginawa ay pinaghandaan daw nila ito, sapagkat ayaw nilang maranasan ng anak ang hirap na naranasan nila noon.
“Sa totoo lang pinag-isipan talaga ito nang maigi, hindi lang basta namin ginawa,” wika ni Whamoz.

Sabi ng 24-anyos na sa dami ng blessings na dumating sa kanila, ito raw ang the best, “Sa lahat ng blessing na dumating, ito ang pinakamagandang blessings ang dumating sa amin!”
“Masayang-masaya ako, guys. Mula labas hanggang loob ng bahay namin kaya kong isigaw sa buong mundo na mayroon na kaming baby ni Antonette,” ani Whamos nang mahimasmasan.
May mensahe rin naman siyang pinarating para sa kanyang mga bashers.
“Sana maging masaya na lang tayong lahat, kasi ako masaya eh. Sana ‘wag n’yo kaming i-bash, guys!” sabi niya. Naging masalimuot din kasi ang kanilang love story.

Bago umano nila inupload ang video na ito ay nasabi na nila sa kanilang mga magulang ang magandang balita at pati na rin sa mga kaibigan na nasa kanilang bahay.
Kaya naman bumuhos ang pagbati mula sa kanilang masugid na fans at followers.
“Congrats to you both rejoice you will have your blessed angel soon.”
“Natutuwa ako na magkababy na kayo ingatan n’yo ‘yan ang baby n’yo, iwasan na ang challenge mga lodi kasi first baby n’yo ‘yan!”
“Congrats both of you take good care of your self Antoinette stay strong and god bless!”
The post Whamos Cruz, Antonette Gail magkaka-baby na, ‘Hindi lang basta namin ginawa’ appeared first on NewsPresenter.

No comments