Home Top Ad

Ryssi Avila, ipinakilala ang kaniyang ‘Anghel’

Share:

Kinumpirma ni Idol Philippines Season 2 finalist Ryssi Avila na isa na siyang ganap na ina sa isang baby boy.

Sa isang vlog ay ipinakilala ni Ryssi sa kaniyang mga taga-suporta ang limang buwang gulang na si Anghel na aniya ay nagbigay ng direksyon sa buhay niya ngayon.

Inamin niya rin na kapapanganak niya pa lang nang magsimula ang live shows ng patimpalak kaya marami raw ang nakapansin na tila nadagdagan ang kaniyang timbang noon.

“Hindi n’yo lang po talaga alam na nung time na nag-live shows na ako, kapapanganak ko lang talaga nun. Sinikap ko na matapos ‘yun, sinikap ko na ilaban ‘yung pangarap ko para sa sarili ko at siyempre, para sa anak ko,” aniya.

Hindi niya naman umano intensyon na itago ang kaniyang pagdadalantao noon ngunit pinili niyang ibahagi ito sa mga malalapit sa kaniya, lalo na at ayaw niyang ma-stress sa social media.

Dagdag pa ni Ryssi, malaki ang nagbago sa kaniya mula nang ipagbuntis niya si Anghel.

“Nung pinagbubuntis ko siya, lahat ng bisyo nung kadalagahan ko talagang tinanggal ko kasi gusto ko healthy siya e. Gusto ko okay siya. Gusto ko, maalagaan ko siya nang tama. Sobrang pasalamat ko sa Panginoon na binigyan ako ng anak,” sabi niya.

“Siya na ngayon yung nagbigay ng direksyon sa buhay ko. Siya na yung purpose ko at alam ko na nandito ako ngayon sa mundo para maging isang mabuting ina sa kaniya, na mabigay ko lahat ng pangangailangan niya, na mapalaki ko siya nang maayos.”

Kuwento pa ni Ryssi, napunan ni Anghel ang kakulangan sa buhay niya.

“Sobrang binago niya ako, na inayos niya yung buhay ko, na dati lahat ng pagmamahal hinahanap ko sa kaibigan, hinahanap ko sa kung saan. Pero kung ano yung kulang sa buhay ko, sayo ko nahanap. Sobrang sarap sa pakiramdam magka-anak.”

Excited naman si Ryssi na ibahagi ang kaniyang journey bilang ina.

Panoorin ang vlog ni Ryssi:

The post Ryssi Avila, ipinakilala ang kaniyang ‘Anghel’ appeared first on NewsPresenter.


No comments