Home Top Ad

‘Kakaibang hobby’: Kabilang ka ba sa mga mahilig mag-pop ng bubble wrap?

Share:

Isa ka ba sa mga mahihilig mag-pop ng bubbles sa bubble wrap? Kabilang din ba ito sa mga inaabangan mo sa tuwing may bagong gamit na binibili o may delivery na dumarating sa bahay ninyo?

Ginagamit ang bubble wrap para bigyan ng karagdagang proteksyon ang mga bagay na madaling magasgasan, mabasag, o masira—pero para sa iba, mayroon pang higit na silbi ang bubble wrap at ito ay ang maging libangan nila sa pamamagitan ng pagputok ng bubbles nito. Iba iba ang epekto nito sa gumagamit: may sumasaya, may napapanatag, at iba pa.

bubble wrap

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng mga miyembro sa isa’t isa ang kanilang mga “kuwentong bubble wrap”. Ang iba pa nga sa kanila ay naipasa na ang gawain nilang ito sa kanilang mga anak.

“Gustong-gusto ko laruin iyan at paputukin,” pagbabahagi ng social media user na si M. V. Aquino. “Basta kapag nakakakita ako niyan ay agad kong pinuputok.”

“Ako rin, hanggang ngayon kapag nakakakita ako ng bubble wrap ay paputukin ko talaga,” wika ni R. Burmak. “Isang klase ng relaxation na rin kasi ito para sa akin.”

“Mayroon akong tatlong ganiyan ngayon,” kumento ni L. Lazarte. “Kapag nai-stress o nagagalit, iyan ang napagbubuntunan ko.”

bubble wrap

Ang iba naman daw ay para bang naipamana sa mga anak nila ang hilig nila sa bubble wrap at tinularan na sila ng mga ito, kaya naman daw kapag mayroon sa bahay nila nito ngayon ay may kaagaw na sila. Kuwento ng isa sa kanila na si N. Sheikah Agana, “Until now ay ginagawa ko iyan kaso pati ang anak ko ay ginagawa na rin paputok iyan.”

Ikaw, may mga ibabahagi ka rin ba tungkol sa bubble wrap? Ibahagi ang mga kuwento mo sa comments section ng post!

bubble wrap

The post ‘Kakaibang hobby’: Kabilang ka ba sa mga mahilig mag-pop ng bubble wrap? appeared first on NewsPresenter.


No comments