Kapag pinag-uusapan ang mga paboritong meryenda ng mga Bicolano, hindi maaaring hindi mabanggit ang kakanin na kung tawagin ay balisongsong.
Sa Facebook, nagbahagi ng “hugot” ang admin ng page na Proud To Be Albayano gamit ang larawan ng mga balisongsong na nakalagay sa plato. Saad niya sa dulo ng caption ng litrato, “Balisongsong para sa nagmahal, iniwan, pero nabusog!”
Ngunit sa halip na maka-relate sa hugot, mas nangibabaw ang pagkatakam ng mga nakakita ng post na ito. Bakit nga ba hindi e isa ang kakaning ito sa pinakamasasarap at pinakapaboritong meryenda ng mga Bicolano; at talaga rin namang gustong-gusto maging ng mga nakatira sa labas ng rehiyon ng Bicol. Para sa marami, kapag natikman na, hahanap-hanapin mo na talaga.
“Wow, I miss this so much! One of my favorites!” kumento ng Faceboo user na si M. M. Sarte.
“Wow, my favorite! Nami-miss ko na iyan. Pag-uwi ko ng Bicol, bibili ako niyan. Lahat na favorite kong food sa Bicol, pag-uwi namin, lahat makakain ko na,” nananabik na wika ni E. B. Camacho.
“Missed it so much! Ang gusto ko rito ay iyong konting tutong siya, maraming lukadon, at syempre matamis,” ani F. Cruz.
“Hindi ako kumakain niyan kung hindi si Mama o si Tita ang nagluto,” pagbabahagi ni M. N. Corporal. “Miss ko na iyang balisongsong. Bibisita ako ng Bicol soon.”
“Masarap ito kahit na walang niyog. I remember how my aunts would make these sa bahay ng lola ko. They learned their recipe from my great grandmother who hails from Ligao,” kuwento ni M. A. Tamayo.
Ikaw, kailan ka huling nakakain ng balisongsong? May mga hindi ka rin ba makalilimutang alaala na nabuo dahil sa pagkain mo nito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section ng post na ito!
The post Balisongsong: Popular na kakanin sa Bicol, gustong-gusto rin ng mga nasa ibang rehiyon appeared first on NewsPresenter.
No comments