Pinag-uusapan ngayon ang ginawang presentation ng isang netizen para sa ina ng kaniyang bestfriend upang payagan itong sumama sa kanilang outing.
Sa unang bahagi ng presentation na ibinahagi ni Sheena Rodaje para sa ina ng bestfriend na si Lycka Andarin ay ipinakilala niya ang mga kaibigan na makakasama nila sa swimming.
“Matagal na po kaming kaibigan ni Lycka. Naging buo po kaming apat year 2018 dahil kami ay magkakaklase. Kasama namin ang isa’t isa sa away, tampuhan, kasiyahan, at kalungkutan,” pagpapakilala ni Sheena.
“Sobrang strong ng aming pagkakaibigan. Hindi namin hinahayaan ang pag-aaral namin kahit may gala o kulitan. Sa katunayan ay nasa with honors and high honors kami.”
Kasunod nito ay naglagay si Sheena ng larawan nilang magkakaibigan.
Upang mas makumbinsi ang ina ni Lycka ay naglista rin siya ng mga dahilan kung bakit dapat payagang sumama sa lakad nila si Lycka.
Aniya, libre na ang cottage, mura ang entrance fee, at masasarap ang kanilang mga pagkain.
“Protektado po namin si Lycka. Hindi po namin siya hahayaang masaktan. Kami po ang tatayo bilang guardian niya,” pangako niya pa.
“Papabusugin po namin si Lycka at pasasayahin. Don’t worry po. Safe na safe si Lycka sa amin,” saad pa sa presentation.
Inilagay niya rin ang mga detalye ng resort na kanilang pupuntahan, kabilang na ang ilang mga larawan nito.
Hindi rin nawala ang pambobola sa ina ni Lycka upang masiguradong papayagan ito. “Grabe talaga ang kagandahan mo po, tita. Nasa lahi po talaga ninyo. Thank you, tita.”
Nagtagumpay naman si Sheena sa kaniyang misyon dahil pinayagang sumama ang kanilang kaibigan.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may gumawa ng ganitong pakulo sa pagpapaalam sa magulang ng kanilang kaibigan.
Bentang-benta naman sa netizens ang ganitong paraan ng pagpapaalam. Sa kasalukuyan ay may 67k reactions at 80k shares na ang post ni Sheena.
The post Netizen gumawa ng presentation para payagang sumama sa outing ang kaibigan appeared first on NewsPresenter.
No comments