Home Top Ad

Gretchen Malalad may himutok sa immigration: ‘Hay naku Pinas, ang hirap mong mahalin!’

Share:

“Hay naku Pilipinas ang hirap mong mahalin.” — Iyan ang himutok ni Gretchen Malalad, isang freelance Video Journalist, sports enthusiast at 2nd Dan Karate Blackbelter hinggil sa proseso ng pagtatanong na isinasagawa sa immigration kapag aalis ng bansa para magbakasyon o maglakbay palabas ng bansa.

Hindi ka makalalabas ng bansa hangga’t hindi ka dumadaan sa pag-uusisa ng mga immigration officers upang matiyak na may layong bumalik ng Pilipinas ang mga mamamayang maglalakbay o mamamasyal lamang sa bansang pupuntahan.

Batid naman iyan ng mga bibiyahe; na dadaan ka sa prosesong iyan. Ngunit napahimutok si Malalad sa kanyang naranasan sa immigration at ibinahagi niya ito sa Twitter world.

Aniya sa kanyang tweet nitong Mayo 11, “It’s so stressful traveling alone for vacation. Sa immigration ang daming tanong na parang assume nila hindi ka na babalik ng Pilipinas 🙄 Ikukwento mo buong life story mo. I just experienced this in T1. Hay naku Pilipinas ang hirap mong mahalin.”

Marami ding nag-react, naka-relate at napakomento. May mga nagbahagi rin ng kanilang naranasan sa immigration.

“haha same when i went to Japan all by myself and met some of my friends there, napasalang pa ako sa 2nd interview even if i already travelled 3 times outside the country. lahat pinakita ko maski ang banj certificate, yung gc namin sa school kasi di daw ako enrolled” 😆

“I wonder why there is a need for ‘exit interview’ with immigration in the Philippines when there is absolutely none when you depart the USA. Heard horror stories of off loading. A Manila officer asked for my US Green Card when I was traveling to Bali, NOT US. I declined to show it.”

“Ay! Ipinakita mo sana lahat ng medals mo para magkaalaman sino mas may ambag sa Pilipinas.”

Ayaw naman niyang magpatuloy ang kanyang stress mode kaya’t sa isang tweet ay napasabi siya ng “Ok ayoko na magpa-stress. Vacation mode on!😋”.

Oo nga naman. Bakasyon ang habol mo, hindi kunsumisyon. Ngunit kinabukasan, ibinahagi naman niya ang masayang naranasan sa kanyang pagtungo sa Paris.

Sa panibagong tweet, aniya, “Just arrived in Paris and wala p ako 30 secs sa immigration. Scan and tatak! Sa atin lng napka judgmental eh”.

Di ba nga’t may nag-viral pa na hinanapan ang isang pasahero ng yearbook at grad photo?

Kasalukuyang nasa hot seat ang Bureau of Immigration (BI) kasunod ng nagsusulputang horror stories ng Filipino passengers na naranasang ma-offload o hindi pinapasakay ng eroplano para sa kanilang trip abroad, ayon sa mga nakaraang ulat

The post Gretchen Malalad may himutok sa immigration: ‘Hay naku Pinas, ang hirap mong mahalin!’ appeared first on NewsPresenter.


No comments