Naging matipid ang tugon ng aktor na si Lee O’Brian tungkol sa paghihiwalay nila ng aktres na si Pokwang.
Sa panayam ng PEP kay Lee ay ipinahayag niya ang pagmamahal para sa anak na si Malia at sinabing mananatili ang pagmamahal niya para kay Pokwang bilang ina ng kaniyang anak.
“All I can say is, I love my daughter more than anything in this world. And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child in this world. And that’s my story. That’s all I can say. I hope for the best for everyone involved, the most for my daughter,” ani Lee ayon sa PEP.
Nang kumpirmahin ni Pokwang na hiwalay na sila ni Lee noong 2022 ay wala siyang binitawang masamang salita laban dito.
“Una sa lahat, walang third party, wala. In all fairness kay Papang. ‘Di rin pera kagaya ng mga lumalabas, hindi ho, walang ganun. Siguro naano lang kami, ano bang tawag dun? Napagod. Sana alam ng tao na yung hinuhusgahan n’yo na si Lee O’Brian at mabuting tao naman po. Mabuting ama. Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko. Kesyo palamunin ko raw. Masipag po yung tao,” aniya noon.
Sa panayam naman sa kaniya noon ni Boy Abunda ay inamin noon ni Pokwang na hindi totoo ang naunang pahayag niyang walang kinalaman ang pera sa paghihiwalay nila ni Lee. Nasabi niya lang daw ito dahil umaasa pa siyang magkakabalikan sila.
“Sa totoo lang, mahal ko siya kaya ko nga nagawang magsinungaling e… pinagtakpan ko siya dahil umaasa ako na magkakabalikan pa kami, maayos pa ‘to,” aniya.
Ganito rin ang sinabi ni Pokwang nang may netizen na nagsabing “talakera” siya kaya siya iniwan ni Lee.
“Nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala siyang palamunin at limang taon walang child support!” pagbubunyag ni Pokwang. “And FYI, hindi ako iniwan… Tanungin mo siya bakit ko siya pinalayas!!! Tanungin mo now na!” dagdag niya pa.
The post Lee O’Brian nagsalita na sa hiwalayan nila ni Pokwang: ‘I always have love for the mother of my child’ appeared first on NewsPresenter.
No comments