Nagbahagi ng madamdaming mensahe ang aktres na si AiAi Delas Alas para sa asawang si Gerald Sibayan sa pagdiriwang nila ng ika-9 na anibersaryo ng kanilang relasyon.
“Happy 9th year anniversary as a couple my darling ko… May our marriage be blessed with love, joy and companionship for all the years that we will be sharing. I always thought that a perfect husband is a myth, kathang isip lang.. sabi sabi.. kwento kwento kasi dati ang lalaki saken toxic,” pag-amin ni AiAi.

Gayunpaman ay nagbago ang mga pananaw niyang ito dahil kay Gerald.
“Aba nagbabago pala ang pananaw. Totoo pala na may lalaking maayos, may asawang mabait, meron palang forever… Akala ko bilihan lang damit ang may forever (21).. Thank you very much for being my husband, my partner, my boyfriend, my friend my ka tsismisan at ang importante sa lahat my provider ang nagpapakain saken.. @gerald_sibayan.”
May patutsada rin si AiAi sa mga basher na hanggang ngayon ay may pagdududa sa relasyon nila.

“I love you so much my darling ko yes looking forward sa 10 years naten next year.. tarush te going strong !!!.. ang lungkot ng mga bashers at hater 9 years na e mali sila HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA … Seriously thank you LORD sa greatest blessing ng buhay ko.”
Tinapos niya ang post gamit ang hashtag na “Pag inggit, pikit.”

Samantala, si Gerald din ay nag-post sa Instagram at nagbigay rin ng tip para sa long-lasting relationship.
“Happy 9th anniversary of our relationship from girlfriend until you became my wife., i love you so much. Many more years to come for us my wife. Tip: For a good and long relationship is to put GOD in the center of our life,” aniya.
Noong Disyembre lang ay nag-renew ng vows sina Gerald at AiAi sa Amerika bilang pagdiriwang na rin ng kanilang ika-5 wedding anniversary.
The post AiAi, Gerald ipinagdiwang ang 9th anniversary appeared first on NewsPresenter.
No comments