Nilinaw ni Dr. Willie Ong na wala siyang kinalaman sa mga kumakalat na ads tungkol sa mixed nuts na diumano ay nakapagpapagaling ng malubhang sakit at ini-endorso rin umano ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
Sa palitan nila ng komento sa isang Instagram post ay ipinaalala ni Kris kay Atty. Enrique V. Dela Cruz, Jr. ang pag-take down sa fake ads ng isang produkto.

“Atty Ricky i hope the post about me & this ‘miracle’ whatever food has been taken down because sobrang hindi totoo- until now i’m unable to really eat food, it’s still milk and more milk for me… NEVER ako na diagnose as having cancer. And most of the nuts shown in the pictures i am ALLERGIC to!,” ani Kris.
Siniguro naman ng abogado na nakapagpadala na sila ng demand letter upang burahin ang post.
Ayon sa ulat ng Inquirer ay naghain nga ng cease and desist at demand to remove misleading post ang Divina Law sa ngalan ng aktres laban kay Dr. Ong.

Gayunpaman ay sinabi ni Dr. Ong na maging siya ay biktima rin ng mga taong gumagamit sa kaniyang pangalan at larawan upang mag-endorso ng mga produkto.
“Wala po ako ine-endorse na kahit anong produkto except for one which is Birch Tree Advance, which is a charity advocacy for seniors. All the rest including Mixed Nuts are fake po,” sabi niya sa komento sa article na inilabas ng isang site.
Hindi lang umano siya ang nakararanas nito kundi maging ang iba pang influencers.

“I, and many other influencers are the victims here. My official page has a Blue Verified check mark named Doc Willie Ong with 17 million followers. All FB pages with only a few followers using my name are fake pages po. I have no control on what fake pictures they post,” depensa niya.
“These are all obviously fake ads and scammer pages. And Ms Kris and her lawyers were misled by these fake ads which are not mine po. I do not own nor endorse these products. Please be careful po.”
Sinubukan niya na raw makipag-ugnayan sa Facebook tungkol dito ngunit gumagawa lang muli ng bagong page ang mga nasa likod nito.
The post Dr. Willie Ong nilinaw na wala siyang kinalaman sa fake ads tampok si Kris Aquino appeared first on NewsPresenter.
No comments