Hindi napigilan ng It’s Showtime audience coordinator na si Ervin Plaza, mas kilala sa tawag na Dumbo, ang emosyon nang muli niyang mahawakan ang anak ilang linggo matapos niyang maaksidente.
Sa kasalukuyan ay nagpapagaling pa si Dumbo sa pagamutan ngunit tila naibsan ang nararamdamang sakit at kirot nang muli niyang makasama ang kaniyang anak.
“Yung sobra mong miss yung anak mo at nahawakan mo siya sa unang pagkakataon kahit gaano ka sakit at kirot ang nararamdaman mo nawala lahat yun nung naka dapa siya sa dibdib ko,” kuwento ni Dumbo sa isang Instagram post.

Humingi rin siya ng paumanhin sa anak dahil pakiramdam niya ay matagal na panahon na silang hindi nagkikita.
“I’m sorry anak matagal tayo hindi nagkita nagpapagaling lang si daddy sa hospital. Feeling ko napakatagal na panahon na hindi kita nakita anak sobrang miss na miss kita anak ko.”
Nagpakita naman ng suporta ang ilang ‘It’s Showtime’ hosts, kabilang si Ogie Alcasid at Jugs Jugueta na nag-iwan heart at praying emoji sa video ni Dumbo.
Sa sumunod na post ay nagbahagi siya ng video ng anak kalakip ang caption na “my love, my daughter, my sunshine.”

Matatandaang nitong buwan ay naaksidente si Dumbo habang nagda-drive ng motor. Umapela siya ng pinansyal na tulong para sa tuluyan niyang paggaling.
“Hi, badly need help right now. Prayers nd financial help po. Need po para sa oporetaion niya, na motor accident po siya last night. Any amount will do po. Thank you so much,” sabi ng kaniyang partner sa ibinahaging Instagram story.
Maging ang kapatid niyang si Gracel Ann Plaza ay humingi rin ng tulong sa isang Facebook post. Nagbahagi rin siya ng ilang larawan ni Dumbo matapos maaksidente. “Prayers and financial help for my Kuya Ben right now.”
Sa mga nais magpaabot ng tulong kay Dumbo, narito ang mga detalye:

The post Dumbo emosyonal nang muling makita ang anak matapos maaksidente appeared first on NewsPresenter.
No comments