Humingi ng paumanhin ang aktres na si Kris Aquino sa mga nasasakupan ni Batangas Vice Gov. Mark Leviste at nangakong hindi niya na ito gagambalain upang magampanan niya ang kaniyang mga tungkulin.
Matatandaang nagbahagi si Kris ng update kaugnay sa pinagdaraanang treatment sa ilalim ng mga pinagkakatiwalaan niyang doktor. Nag-iwan ng komento rito si Vice Gov. Leviste ngunit sinabihan siya ni Kris na huwag na itong gawin. Bagama’t malaki ang pasasalamat niya dahil nariyan ang bise gobernador kapag may pinagdaraanan siyang sakit at hirap ay ayaw na niya  itong istorbohin.

“@markleviste please don’t comment anymore even though they were just emojis? You’ve been a blessing to be with me/us every step of the way since my birthday,” aniya.
“Your willingness to be here to see me through these difficult tests and nonstop doctors’ appointments has made me even more grateful to have gotten to know the real you better.”

Ibinahagi niya rin na may dalawang tests na lang siyang dapat pagdaanan upang malaman kung kakayanin niya ang gamot na ibibigay sa kaniya.
“Sa mga minamahal ni Vice Gov na mga Batangueño, i have 2 tests left to determine kung kakayanin ko yung mga ipapasubok na bagong gamot sa kin, praying all goes well because KAYO ang boss nya at wala sa job requirement ng VG ang tumulong mag-alaga sa ‘kin…,” paliwanag niya.

“I grew up knowing: public service is a PRIVILEGE & it’s an accepted reality, serving the people whether binoto ka o hindi, that’s more important than any friendship or romantic relationship. Love teaches you how to be patient; constituents in need of social services are not expected to be, because the mandate they gave is based on RESPECT & TRUST; and for all of us, life is difficult enough. Pasensya na po, kinailangan ko lang po ng masasandalan at hindi nya ko binigo- mga Batangueño, hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo.”
The post Kris Aquino humingi ng paumanhin sa nasasakupan ni Vice Gov. Leviste: ‘Hindi ko na po siya gagambalain’ appeared first on NewsPresenter.
No comments