Home Top Ad

Kris malaki ang pasasalamat sa mga patuloy na nagdarasal para sa kaniya

Share:

Dalawang buwan matapos ang huling update tungkol sa kaniyang kondisyon ay muling nag-post ang aktres na si Kris Aquino tungkol sa pinagdaraanang treatment.

Sa isang Instagram post ay sinabi niyang nagpapasalamat siya sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para sa kaniya dahil alam niyang ang mga panalangin na ito ang naging tulay upang makilala niya ang kaniyang mga doktor.

“I have many limitations when it comes to medicine & treatments because of my allergies and/or adverse reactions YET they both found treatments that given time can help me get my health back,” pagbabahagi niya.

Sinabi rin ni Kris na ang huling mga resulta ng test niya ay nakababahala at ipinaalala sa kaniya na maaaring madagdagan ang autoimmune conditions niya, at maaaring ma-damage ang puso at lungs niya.

“Next week may bagong treatment na isasabay sa biological injectable that i’ve had 2 doses of… praying kayanin ko.”

Sa pagtatapos ng kaniyang post ay muli siyang nagpasalamat sa mga patuloy na nagpapakita ng suporta para sa kaniya kahit hindi sila personal na magkakilala.

“THANK YOU- many of you don’t know me personally but friends of my family, my friends, those helping take care of me- all have heartwarming stories about people they know who keep praying for me to get better. I don’t know what i’ve done to deserve your kindness but please know YOU GIVE ME HOPE & COURAGE to KEEP THE FAITH and TRUST GOD’S Merciful LOVE. Thank you for being my RAINBOW,” aniya.

“There are special people apart from my doctors i want to THANK by NAME, but i learned the hard way: when you choose to open up portions of your life that should remain private (close friendships & relationships) you open what’s special to harsh judgment. You deserved a health update because you’ve been with me in this journey, sana ibalato nyo na lang ang private life during my journey of healing.”

The post Kris malaki ang pasasalamat sa mga patuloy na nagdarasal para sa kaniya appeared first on NewsPresenter.


No comments