Nagpasalamat ang aktres at Eat Bulaga host na si Miles Ocampo sa mga mensaheng natatanggap matapos niyang ibahagi sa publiko ang pagsailalim niya sa operasyon.
Unang ikinuwento ni Miles ang tungkol sa kaniyang medical emergency nang mag-guest sa Magandang Buhay ngunit muli niya itong ibinahagi sa kaniyang Instagram post.

Kuwento niya, noong isang taon niya unang naramdaman ang mga sintomas. Bigla na lamang daw siyang nagigising sa kalagitnaan ng gabi dahil hirap siyang huminga. Napansin niya rin na mabilis na siyang mapagod at nadagdagan din ang kaniyang timbang.
“For someone who’s afraid of needles, I feel like it was an endless blood tests, ultrasound to biopsy, then the decision to remove it ASAP.. we found out it was Papillary Thyroid Carcinoma. I had to undergo Thyroidectomy surgery to remove my thyroid glands. It all happened in an instant,” salaysay niya.
Ipinaabot niya ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng mga nakasama niya sa pinagdaanang pagsubok, kabilang na ang kaniyang mga doktor, pamilya, boyfriend na si Elijah Canlas, at maging ilang mga kaibigan sa showbiz gaya ni Maja Salvador.

“To my @crownartistmgmt family: ate Maj, kuya Rambo, ate Mikki.. thank you for being with me, for always messaging me to remind me that everything will be alright, and for giving me the green light to share all of this. To my @eatbulaga1979 and trusted friends who knew about what I went through, thank you for constantly checking up on me. Grateful to all of you,” ani Miles.
“And lastly to my Luiz, I couldn’t have done any of this without you. Thank you for encouraging me to face my fears with doctors and hospital, to prioritize myself and to love myself. Thank you for being my strongest support.”

Nagpasalamat din si Miles sa mga mensaheng nakukuha niya, lalo na sa mga dumaan sa parehong sitwasyon.
“A month after my operation, here I am embracing my journey and sharing it to all of you. I’ve been receiving messages from you guys who has the same situation with me that you’re inspired with what I went through, but sharing your experiences too and reading your comments inspired me too. You are not alone. Sending my love to everyone. Love and prioritize yourself.”
Nag-iwan din siya ng mahalagang paalala para sa lahat: “PS: with or without any health conditions, no to body shaming. be kind. always. please.”
The post Miles Ocampo nagpasalamat sa suporta matapos ibahagi ang ‘medical emergency’ appeared first on NewsPresenter.
No comments