Home Top Ad

Netizens naantig sa huling surpresa ng isang ama para sa kaniyang anak

Share:

Naantig ang netizens sa kuwento ng isang ama na ginawa ang lahat upang maging espesyal ang kaarawan ng kaniyang anak, lalo na at sa ‘di inaasahang pangyayari ay ito na pala ang huling surpresang ihahanda niya para rito.

Kuwento ni Ymer Gallejos, ang kinasabwat ni Tatay Pidot sa kaniyang surpresa, March 27 nang i-book sa kaniya ang car trunk surprise para kay Trexia na nagdiwang ng kaniyang ika-17 kaarawan noong April 14.

“From the time it was booked to us, Kuya Pidot didn’t miss a day to follow it-up to me up to the time of its delivery. He would call/chat/videocall me in the morning and at night to make sure that everything is okey. He would say: ‘Mer surprise ‘yan hah. First time kasi ‘yan. Gusto ko masurpresa yung anak ko,'” salaysay niya.

“I felt the eagerness in him to make his daughter happy. I felt a love that is so pure and great.”

Sa araw ng kaarawan ni Trexia ay sinabihan ni Tatay Pidot si Ymer na hindi niya masasaksihan ang surpresa dahil kailangan niyang magtrabaho, ngunit sa huli ay ‘di rin siya nakatiis at nanatili na lang sa bahay upang makita ang reaksyon ng kaniyang anak.

“To my surprise, when we delivered it, he’s actually there. Far more excited than his daughter. When we executed the surprise, his daughter was so happy and even cried. And when I looked at Kuya Pidot, I saw him teary-eyed. There, I saw so much love for his daughter. Though he has work that day, he can’t afford to leave and he just stayed.”

Tatlong araw matapos ang kaarawan ni Trexia, pumanaw ang kaniyang ama habang nasa trabaho.

“This afternoon at around 11:00 AM, I received bad news that Kuya Pidot passed away. Presumably due to a heart attack in the midst of his work in the construction. I was saddened… Kuya Pidot, you’re such a great father. Salute!”

Pinasalamatan niya rin si Kuya Pidot sa mga nagawang kabutihan nito sa kanilang komunidad.

“In behalf ng lahat ng pasahero at estudyante na hindi mo sinisingil ng pamasahe noon kapag sasakay ng Jeep, kasama na ako. Gayundin ang mga padala na di na siningil, mga padalang allowance ng estudyante at mga gulay at bagoong. Maraming salamat. Hindi ka namin makakalimutan. You are part of lives. Bahagi ka kung nasaan man kami ngayon. Isa ka sa mga mahahalagang tao sa komunidad.”

The post Netizens naantig sa huling surpresa ng isang ama para sa kaniyang anak appeared first on NewsPresenter.


No comments