Home Top Ad

Paolo sa relasyon nila ni Yen: ‘It works because we’re both quiet with our personal lives’

Share:

Naniniwala ang aktor na si Paolo Contis na nagwo-work ang relasyon nila ni Yen Santos dahil sa pagiging tahimik nila tungkol dito.

Sa panayam kay Paolo na inilabas ng GMA Integrated News sa kanilang YouTube channel ay sinabi niyang may advantage ang relasyon nila ni Yen.

“I guess being in a quiet relationship, feeling ko mas may advantage. She’s a very private person as well. ‘Yung sa amin, it works because we’re both quiet with our personal lives,” paliwanag niya.

Inamin niya rin na nalulungkot siyang marami ang nanghuhusga sa relasyon nila.

“It’s sad to say na super na-demonize kami pareho in terms of… parang super laki. Natuto na ko and aminin naman natin, there’s too much hate for me to post things and para sa akin, so what? As long as quiet ‘yung sa aming dalawa, then so be it.”

Inusisa rin siya tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ng dating partner na si LJ Reyes at sinabi niya na bagama’t inaamin niya na may mga pagkakamali siya ay marami pa ring hindi alam ang publiko tungkol sa lahat ng mga nangyari.

“I think it’s so personal and maraming factors kung bakit napunta dun sa state nung naghiwalay kami. But I have admitted that I have made mistakes, pero marami pang hindi alam ang tao about the whole picture,” paliwanag niya.

Naghihintay rin daw siya ng tamang panahon upang magkaroon ng pagkakataon upang muling makasama ang anak nila ni LJ na si Summer. Sa ngayon ay sinusubukan niya raw makipag-ugnayan kay LJ sa pamamagitan ng abogado nito.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Paolo ay inamin niyang girlfriend niya na si Yen na noon ay itinuturong third party sa hiwalayan nila ni LJ.

“Ang amin kasi what you see is what you get naman e. Hindi na namin pwedeng ipilit yung tao to be happy for us, hindi na namin ipilit ‘yung mga tao na paniwalaan nila yung gusto nilang paniwalaan. Sana lang isipin nila na kung ano lang ang nakikita nilang naka-post, yun lang yung truth nila,” sabi noon ni Paolo.

The post Paolo sa relasyon nila ni Yen: ‘It works because we’re both quiet with our personal lives’ appeared first on NewsPresenter.


No comments