Na-touch ang netizens sa mensahe ni Xian Lim para sa girlfriend na si Kim Chiu na nagdiwang ng kaniyang kaarawan kamakailan.
“Happiest birthday to my favorite person @chinitaprincess. Truly, Madly, deeply in love with you and I cherish every single moment I have with you. So many years have gone by and we’re still by each other’s side,” sabi ni Xian sa isang Instagram post kalakip ang mga larawan nila ni Kim.

Ipinaalala niya rin sa aktres na huwag nang pansinin ang sinasabi ng ibang tao at nangakong mananatili siya sa tabi nito.
“Nothing beats silencing all the noise around us. Let the naysayers talk and assume all they want. No one knows more about our relationship than you and I. I love you and I will always be here by your side. Happy Birthday love,” dagdag pa ni Xian.
“Always be the wonderful person that you are. Stay lovable and stay indestructible no matter how much the world tries to shake you. Keep inspiring the people around you. Stay happy and outshine everyone with your kindness. I have so many things to tell you, in person na lang. See you in a bit, love.”

“Thank you my love! I’m gonna cry na talaga!” tugon naman ni Kim dito.
Mahigit 10 taon nang magkarelasyon sina Kim at Xian kaya madalas silang inuusisa kung may plano na silang magpakasal.
Sa panayam ni Nelson Canlas kay Xian noong isang taon ay sinabi niyang wala pa ito sa plano nila.

“The direct answer is I don’t see myself getting married soon. Ang daming nagtatanong, ‘Xian, naniniwala ka ba sa idea of marriage?’ Yes, of course, I do. But marriage, I think, ‘di siya minamadali… We love each other so much and that’s what’s important,” paliwanag niya, ayon sa GMA News.
Una na niyang itinanggi ang mga tsismis noon na secretly married na sila. Gayunpaman, kapag dumating ang tamang panahon ay pananatilihin muna raw nila itong pribado.
The post Xian Lim kay Kim Chiu: ‘Truly, madly, deeply in love with you’ appeared first on NewsPresenter.
No comments