Ipinaliwanag ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz kung bakit hindi siya pabor sa pagbubukas ng prestihiyosong pageant para sa mga ginang, single mother, at transwomen.
Sa panayam ng Push ay sinabi ng unang Pilipinong nag-uwi ng Miss Universe crown para sa Pilipinas na nirerespeto niya ang mga ito ngunit sa palagay niya ay dapat magkaroon sila ng sariling category.
“Edi dapat ‘Universe’ na lang, ‘wag nang ‘Miss,’ kasi hindi na ‘Miss’ ‘yun, ‘di ba? Siyempre, going with the times pero my personal opinion, which is not to be taken in a negative way, dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe… There is room for so much category,” aniya.
Paliwanag niya pa, alam niyang mahirap kalaban ang mga transgender pagdating sa mga pageant.
“Mas mahirap kalaban ang [transgender] kasi I’ve been a judge sa mga ‘Sireyna’, ang gaganda talaga nila at palaban. Kaya nilang makipagsabayan. Hindi siya too acceptable para sa akin kasi dapat may sarili silang contest, not that I’m ostracizing them, but they are good in some places. Kung sa talent portion lang ng regular Miss Universe…,” dagdag niya pa.
Isa pang pagbabago sa Miss Universe na napansin niya ay ang age requirement nito. Noong panahon niya raw ay itinuturing nang ‘matanda’ ang nasa edad 23.
“In fact, nag-umpisa ‘yata ‘yan ever since na-suggest nila na 28 years old ang [makakasali] sa Miss Universe. Kasi actually kapag 28 ka na, dapat may career ka na. Dapat like during my time, from 17, 18, to 23, ikaw na ang pinakamatanda,” aniya.
Gayunpaman ay nilinaw niyang nagpapahayag lang siya ng opinyon ngunit kahit ano ang mapagdesisyunan ng Miss Universe Organization ay tatanggapin niya.
“Well, of course, I would always accept whatever the organizers [decide]. Kung ayaw ko nun, edi umalis na lang ako. Pero it’s just an opinion na I think everybody will have a better chance.”
The post Gloria Diaz sa pagiging bukas ng Miss Universe sa mga misis, transwoman: ‘Dapat ‘Universe’ na lang, ‘wag nang ‘Miss’’ appeared first on NewsPresenter.
No comments