Home Top Ad

Sa halagang P800, babae pinagawaan ng tarpaulin nang hindi agad nakapagbayad ng utang

Share:

Isang babae na hindi nakabayad ng utang ang agad na pinagawaan ng tarpaulin ng pinagkakautangan nito sa kanilang probinsya.

Sa tarpaulin makikita ang post na, “Kilala n’yo bala ini? Siya si Gengerie Comprendio taga Brgy. Yawyawan Lemery, Iloilo kay may utang sa Natasha Lemery, Kag indi na macontact.”

Kaya naman pumunta ang nakilalang si Gengerie Comprendio sa programang Raffy Tulfo in Action at nagreklamo matapos na ibandera ang kanyang mukha ng pinagkakautangang si Nelia Muico ng Natasha Lemery.

Ayon sa programa hindi raw agad nakapagbayad si Gengerie at kinapos daw ito noong mga panahong sinisingil siya.

Aniya, “Pag-alis ko po doon nagharap na po kami sa barangay, pinabarangay niya po ako. Ma’am, nakikiusap po ako sa’yo pakihintay na lang at babayaran ko ‘yan kasi gipit tayo at wala akong trabaho sa probinsya.”

Sa hirap ng buhay ay lumuwas ang ginang at naghanap ng trabaho upang may maipangbayad sa kanyang pinagkakautangan.

Subalit kahit nabayaran na niya umano ang principal amount na nagkakahalaga ng nasa Php800, nakababad pa ng isang buwan ang kanyang tarpaulin na hindi pa rin umano tinatanggal ni Nelia.

Napag-alaman na may interest pala na 5% ang utang kada araw bilang dagdag mula sa napagkasunduang petsa.

Hindi lamang pala siya ang pinagawaan ng tarpaulin kundi ang kapatid din nito at tinatakot pa raw umano ito ni Nelia.

Sinabi ng RTIA kung hindi tatanggalin ni Nelia ang tarpaulin, maaari itong makasuhan ng libelo at paninirang-puri.

Marami naman ang nagkomento na mga netizen sa video at sinabing;

“‘Yan Ang hirap sa nangungutang ayaw magbayad. Tapos pagsisingilin mo, sila pa galit”

“Dapat lang talaga ‘yan sa makakapal ang mukhang mangutang nang ‘di nagbabayad. Kawawa lagi ang inutangan na tinatakasan lagi. Hindi pwedeng puro pasensya. Hirap maningil tapos ngayon mas matapang pa magreklamo ang nangutang.”

“Nako nay, sa inyo na po mismo nanggaling na mahirap ang buhay. Sana po sure po tayong makakapagbayad kung mangungutang man lang. ‘Yung inuutangan niyo po may mga binubuhay din po.”

“Maraming salamat sa programa mo Senator/Sir Raffy Tulfo, malalantad ang mga magagaling mangutang at ang tapang pa sa singilan. Haaay buhay.”

Panoorin ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

The post Sa halagang P800, babae pinagawaan ng tarpaulin nang hindi agad nakapagbayad ng utang appeared first on NewsPresenter.


Post a Comment

No comments