Home Top Ad

Mga estudyante busog sa pangaral, libreng pagkain mula sa isang store owner sa Cebu

Share:

Inspirasyon ang hatid ng isang store owner sa Cebu na nakaisip ng pakulo para himukin ang mga suking estudyante na mag-aral nang mabuti.

Kuwento ni Jessiel Ivy Gedoria, nang matapos ang pagsusulit ng mga estudyante ay naisip ng kaniyang inang si Nanay Livy na magbigay ng libreng snacks sa unang 20 na makapagpapakita ng perfect score.

“Just yesterday, when their exam results are out, she started a new ‘gimmick’ to motivate her suking estudyante. The first 20 perfect exam scorers get a free snack from Nanay Livy!” aniya.

“Those who got perfect scores went to the store, with their test papers, to claim their free snack… I bet they’d do even better next exam, and to those who got 1 or 2 mistakes, perfect nana sunod.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na tumulong si Nanay Livy sa mga estudyante dahil ayon kay Jessiel, handa itong magbigay ng libreng pagkain sa mga walang pambili.

“Mama is not a teacher, but she receives sweet morning greetings from students every day. She’s not their mother, but she treats them like a child of her own. She gives snacks for free to those who are hungry but have no pennies in their pockets. She treats them kindly and asks them if they have taken their breakfast or lunch,” aniya.

Hindi lang tiyan nila ang nabubusog dahil hindi rin madamot si Nanay Livy sa mga payo at paalala.

“They call her ‘Nanay’ and as a mother who wishes the best for her children, she motivates them to do their best, especially in their studies. Whenever they visit our mini snack store, she would remind them to behave, listen to their teacher, study well, and be good students.”

Dahil dito ay proud si Jessiel sa kaniyang ina. “Great job mama Livy Gedoria for doing that to reward the students who got perfect scores and of course for giving that kind of motivation.”

“Congratulations students for finishing your exam with good marks! With or without a free snack ni nanay, always give your best shot.”

The post Mga estudyante busog sa pangaral, libreng pagkain mula sa isang store owner sa Cebu appeared first on NewsPresenter.


No comments